In a Relationship?
Sya nga pala si Ms. I. ang ganda nya diba? Dami kasi nagtatanong kung may gf nako e kaya ayan naghanap nako, bago palang kami 😊 nakilala ko sya nung February 14 nakita nyako sa isang sulok nakaupong mag-isa tapos pinuntahan nyako at nakipagkwentuhan. siguro naawa sya sakin? Ms. I.. Ms. Ilusyon OO aaminin kona na hanggang ngayon hopya parin , hanggang ngayon wala parin akong GIRLFRIEND 😂 more than 18 years? since birth! Pero may mga dahilan naman ako kung bakit hanggang ngayon wala parin .hehe
1. Busy- Para sa akin ay ito ang pinakamatinding dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng gf ang isang guy. Busy sa work or sa studies o sa kung anupaman na dahilan para ang time na sana ay para sa romance and love ay naietsapwera.
2. Standards- May standards na sinusunod at di lang basta standards kundi matataas na standards ng isang babae ang hinahanap nya. May ma-encounter man syang babae along the way, kung ang babaing ito ay hindi pasado sa panlasa nya, sabihin man nating attracted sya sa girl na yun, pipigilan at pipigilan nya damdamin nya masunod lang ang pamantayan nya. Masyado syang idealistic at masyadong maraming prinsipyong sinusunod. Ang ending kakanta na lang ng "I have two hands, the left and the right...".
May iba namang wierd ang standard na gusto at dahil minsan ay parang wala at hindi matatagpuan sa tunay na buhay ang hinahanap nya, nananatili lang sya sa pangarap at ang magkagirlfriend para sa kanya ay imposible.
3. Feelings- Maaring wala talagang feelings towards anyone. Hindi sya busy, wala namang standard na sinusunod pero hindi lang talaga in love. Masyadong honest sa feelings at ayaw din namang manloko at makasakit ng damdamin. Maaaring may mga nagkakandarapa sa kanya pero di nya lang pinapansin dahil pakiramdam nya, lolokohin lang din nya sarili nya kung kakagat sya.
Eto pa ang isa, wala ring feelings pero gusto lang mang gudtym. Dahil gusto sya ng isang girl, sasakyan nya tapos pag kumagat na yung girl, biglang ida-down. Ito yung mga uri ng guy na walang pakelam sa damdamin ng iba at maaaring walang idea at hindi takot sa karma. At the end of the day, wala silang girlfriend pero andami nilang pinaiyak.
4. Diskarte- Hindi marunong manligaw o dumiskarte o sa madaling salita walang diskarte. May feelings para sa isang babae at alam nya na mahal na niya. Ang problema, ni hindi alam kung panu ipagtatapat, ni hindi alam o di sigurado kung panu ipararating sa kanyang minamahal ang nilalaman ng puso nya . Minsan may idea na sila kung anung gagawin, tinatakasan naman sila ng lakas ng loob. Minsan naman ay sadyang hunghang at parang ipinanganak kahapon at ni hindi alam ang mga basic na bagay tungkol sa kung paano rin sya mamahalin ng isang babae.
5. Past- Maaaring may mapait na nakaraan sa pakikipagrelasyon at ayaw na muna or at worst ayaw nang makipagcommit. Maaaring labis syang nasaktan sa break up nila ng dati nyang girlfriend o baka iniwan sya ng dating girlfriend nya sa hindi katanggap tanggap na dahilan or maybe, ipinagpalit sya sa ibang lalaki at naging dahilan yun para matrauma sya at kadalasa'y mawalan na ng tiwala sa mga babae. Para sa mga girls na makakaencounter ng ganitong klase ng guy, huwag na kayo mag expect na liligawan niya kayo kahit halata niyo na gusto nya kayo. Siguro ang magandang gawin ay dinggin ang totoong kwento nya, unawain at irespeto siya at kung napansin nyo na may sugat pa sa puso nya...maaaring makatulong kayo para maghilom yun. Hindi nyo kelangan magpakipot sa taong ito dahil baka madissapoint lang kayo kung wala silang gawing moves (they are maybe tired or never get thrilled of romance). Hindi ka man nya ligawan, siguro may paraan pa din na maging kayo (kung gustong gusto mo lang naman or kung mahal mo na sya). Get along with him, be nice to him and dont forget to appreciate him and recognize the things that he do. Ang mga ganitong klase ng guy ay rare at no doubt na great lover. Huwag na huwag mo lang sisirain ang tiwala nya at igarantiya na hindi ka magiging katulad at hindi mo hahayaang mangyari sa relasyon ninyo (kung magiging kayo nga) ang kinahinatnan ng nakaraan nya.
~pero Guys hindi naman talaga masamang maging single e (walang gastos 😂) dahil hindi natin kailangan pumasok sa isang relasyon para malaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig nanjan ang family mo, barkada at syempre anjan si God at alam ko na alam nyo na hinahanda pani God ang perfect Girl para sa atin on a perfect right time.
Comments
Post a Comment