Saan aabot ang 20 pesos mo?

"Makikita natin sa larawang ito na ang mga tao ay nagkukumpulan na para bang tumataya sa isang sakla, ngunit ano ngaba ang pinagkakaguluhan ng mga ito?"

Minsan isang gabi habang ako ay pauwi sa aming baryo (O'Donnell Capas Tarlac) kasama ang aking kaibigan nang kami ay papunta sa sakayan ng jeep...... sa isang tabi isang grupo ng mga tao ang nagsisigawan, nagaagawan  at naguunahan at dahil sa dala ng aming pagkausisa dali dali naming pinuntahan ang lugar na iyon at biglang!!.... "ATAY! ATAY! ATAY kayo jan?!" sabi ng tindero ng atay. (sa totoo lang hindi ako kumakain ng atay) At noong oras na iyon ay di pako kumakain at sobrang gutom na gutom ako sa dala ng aking pagkagutom yinaya ko ang aking kaibigan na bumili nito upang masubukan o matikman rin ang kinaguguluhan ng mga tao.. OO sa tingin parang madumi ang pagkakaluto ngunit pag iyong natikman ay siguradong mawawala sa isip mo na madumi ito at malilimutan mo ang pangalan mo ,hehe masarap na mura pa sa halagang 10 pesos may 3 atay kana at kapag nabitin mag 20 pesos kana at katumbas nito ay pitong atay.

(Ngunit isang paalala huwag araw arawin ito kundi pATAY ka)

 

Comments

Popular posts from this blog

Lapay Bantigue

DAKPAAT