Lapay Bantigue


      "Lapay Bantigue" ito ay isang sayaw na nagmula sa Brgy.  Bantigue Masbate,  lapay sa Masbate ay ibon o "seagulls" sa ingles, kaya ang galaw ng mga mananayaw ay parang isang ibon.
         Napakalaking prebilehiyo ang mapabilang sa myembro ng Tarlac State University Performing Arts Dance Troupe upang sumali o lumaban sa taunang Culture and Arts Association of State Universities and Colleges (CAASUC) III Regional Culture and the Arts Festival, ngunit hindi naging biro ang aming pagsasanay upang maging malinis, maayos at sabay-sabay ang aming galaw sa pagsasayaw ng Lapay Bantigue may mga pagkakataon na napapabayaan na namin ang pag-aaral dahil kaka-aral namin ng sayaw dahil bilang isang grupo nang mananayaw ng "folk dance" ay kinakailangan na iisa ang inyong galaw at malinis itong tignan. Bawat isa sa amin ay naranasan narin nasa bawat pagkatapos ng aming pag-iinsayo pagkauwi sa boarding house o bahay manyan ay ang una naming pinupuntahan ay ang higaan sa kadahilanang halos lahat ng parte ng aming katawan ay masakit, At isa pa sa hindi mawawala kapag ikaw ay miyembro ng Tarlac State University Performing Arts ay ang panyenyermon, pagsisisigaw ng aming coach/director/adviser/teacher/kaibigan/kapatid/TATAY ❤ na kapag hindi ka nakakasunod sa mga step's ay nako 😱 ihanda mona ang tenga mo 😂, pero alam naman naming lahat na para rin ito sa ikabubuti ng aming grupo kaya naman nagbunga lahat ng aming kapaguran pisikal man o emosyonal dahil kami, ang TSU-PA ay nagkamit ng 2nd place at ang nanalo ay ang Central Luzon State University Performing Arts hindi man kami ang nanalo ay masayang masaya parin kami at naniniwala ako/kami na panalo parin kami dahil maraming magagandang karanasan ang aming nabuo.

Comments

Popular posts from this blog

DAKPAAT

Saan aabot ang 20 pesos mo?