Posts

Showing posts from March, 2018

WINNER

Image
       Isang mensahe na nagmula sa pinakamamahal kong nanay pagkatapos matalo sa Mister TSU 2018, Oo natalo ako pero panalong panalo naman ako sa mensaheng ito dahil sa unang pagkakataon nalaman ko na proud na proud ang nanay ko sa akin dahil.... noong bata pa ako ay nararamdaman ko na iba ang turing niya sa akin kumpara sa aking mga kapatid na para bang isa akong ampon (hehe) na kapag may ginagawa akong maganda ay hindi nila inaappreciate pero kapag may nagawa akong mali ay dun palang nila ako napapansin kaya simula pagkabata ay may gusto na akong patunayan sa kanila ngunit pagkalipas ng mga panahon nalaman ko na mali pala ang aking pag uunawa sa tunay na pagmamahal ng aking magulang dahil kung hindi sila naging istrikto sa akin noon siguro isa na ako sa mga natokhang ngayon .haha kaya naman sa kabila nito ay ginagawa ko lahat ng aking makakaya upang maipakita, maiparamdam sa kanila na mahal na mahal ko siya/sila ng aking mga pamilya. Mama♡ Tatang